dog-mirror.gif

Hindi ko alam kung isang biyaya o isang sumpa ang ipinagkaloob sa’kin ng maykapal.

 Ang magkaroon ng mayamang pandama na marahil ay matatawag nating kutob, at sa pag-usad ng modernong panahon ay tinawag nating “tamang hinala”Simple lang naman akong tao,na may simpleng mga pangarap.Masaya na akong makapagtapos ng kolehiyo at magkaroon ng matinong trabaho upang makatulong sa magulang,mapag-aral ang aking kapatid na si Bel, 16 na taong gulang at ang hinihiling ko sa pang araw-araw , ang masaya at buong pamilya.

Mababaw lang din ang kaligayahan ko, sapat na sa akin na may pamasahe papuntang eskwela,napakalaki ng pasasalamat ko kay BigMan dahil salat man sa marangyang pamumuhay ay malulusog naman ang aking mga mahal sa buhay,maliban na lamang sa bunso naming si Bel,siyam na taong gulang lamang sya noon ng nalaman naming pipi ito.Noon ay inakala ni ina na huli lamang itong magsalita kaya’t hindi pinatingin sa Doktor.

Nagtitinda lamang ng asin ang aking ama na kumikita lamang ng aming pantawid gutom sa pang araw-araw at tindera naman si ina ng isda sa talipapa, na umaangkat pa ng paninada pagka madaling araw sa Divisoria.

Kahirapan na rin marahil ang nagbunsod upang hindi namin napagamot si Bel,kaya naman ganoon na lamang ang pagsisikap kong makapagtapos ng pag-aaral,dahil lahat ng ito ay para kay Bel.Bukod sa hindi pagsasalita ay malusogat normal naman ang akin kapatid.

Mauulinigan mo lamang sya ng tunog mula sa kanyang bibig kapag siya ay galit,natutuwa o natatakot. Mahal na mahal ko ang aking kapatid.Kaya’t ganun na lamang ang panlalambot ko ng magising ako isang gabi ng mga hikbi mula sa kabilang silid.Napaiswag ako sa higaan at tinungo ng aking paningin ang higaan ni Bel,ngunit wala sya roon.

Noong una ay inakala kong mga hikbi iyon ng pagdadalamhati sa kanyang kalagayan,dahil mas madalas ay nadaratnan ko siyang lumuluha sa isang tabi.Ngunit naging madalas ang mga hikbing iyon.

Mahina ngunit bumabasag sa mahimbing kong pagkakatulog.Ngunit sa pagkakataong ito ay halos lumundag ang aking puso sa kaba.Halos sumpain ko ang aking pandama.bakit ako?Bakit nadirinig?Bakit ganito ang nararamdaman?.

Sa pagkakataong ito ay lumabas ako ng kwarto at tinungo ang banyo. Mabigat ang mga yabag,binuksan kong padabog ang pinto na pumuno sa buong kabahayan.Hindi naman ako nagbanyo,ngunit sinadya ko ang lahat,nanunubok lamang ako. Makalipas ang ilang sandali ay inasahan ko na may lalabas mula sa kabilangsilid.Si Bel na nakayukong dumaan sa aking harapan na tinungo ang aming silid.

Naramdaman ko na lamang ang nangigilid kong luha sa aking mga mata.Ang mabilis na tibok ng puso,animo’y nasa tapat ng aking tenga,nakakabingi,nakakataranta.Nanlalambot na mga tuhod, dahan-dahan akong bumalik sa aming silid.

 Nakatagilid si Bel na kunwari’y nahihimbing sa pagkakatulog.Alam kong pinakikiramdaman niya ako.Mula sa pagkakahiga ay hindi namuli ako nakatulog.Mga senaryong nabubuo sa aking imahinasyon.”Diyos ko,huwag naman sana…huwag sa pamilya ko.” ang mga salitang namutawi sa aking mga labi. Dumalas ang mga gabing hindi nahihimbing,sa halip na antok ay dinadalaw ako ng mga yabag,paulit-ulit,Bagabag…

Bumabalot sa kabuuan ko.Unti-unting nasusulsi sa aking isipan ang mga pangyayari.Ang dahilan kung bakit di na lumalabas si Bel upang maglaro,tumambay sa harap ng bahay at makipaghuntahan sa bestfriend niyang si Myla,isang tulad niyang pipi.Si ina ang unang nakapuna ng mga pagbabagong ito kay Bel.Sinang ayunan ko na lamang ito ng ,tila hindi na yata nababawasan ang mga barya niya sa tokador upang bumili ng makukutkot niyang boy bawang.

Nagbago ang mga kilos ng aking kapatid,maliwanag pa sa sikat ng araw.Ang mga ngiti ay napalitan ng mga hikbi.Ang panahon para sa huntahan ay inukol sa mga sandaling nakatulala sa bintana.

Sari-sari ang aking nararamdaman,Napupuno ako ng poot,pagka-awa at kalituhan.Ang mga tanong na “Bakit ako?” ay napalitan ng “Bakit ganito?”.

Malaki ang tiwala ko sa aking nararamdaman.Ipinagkaloob sa’kin ito,Isang biyaya at sumpa

.Alam kong nararamdaman ito ni ina,ngunit batid kong tulad ng mga piraso ng jigsaw puzzle,mga piraso lamang ang nalalaman niya. Ganito na si ina noon pa man.Sa kabila ng pananahimik ay marami siyang nalalaman,nais niyang siguraduhin ang bawat desisyon at hakbang na gagawin.

Bilang panganay niyang anak ay hindi ko namana iyon kay ina.Aksyon agad! Basta’t alam kong tama at nasa lugar.Kaya’t ganoon na lamang ang hinagpis ko ng natatanging gabing iyon.

Sumapit ang gabi na pinakahihintay ng bawat isa, ang gabi ng kapaskuhan,linggid sa aking kaalaman ay ito rin ang gabi para sa akin.

Ang gabi ng mga gabi.

Tapos na ang Noche Buena at pasado alas dos na ng madaling araw.Hapong-hapo ang bawat isa ,lalo na si ina, na maghapong aligaga sa kusina.Tahimik ang paligid at ang tanging naririnig ko ay ang kalabog ng aking dibdib,dahilan kung bakit hindi ako dalawin ng antok.

Naulinigan ko ang magagaang yabag sa labas ng aking silid.Maya-maya ay narinig ko ang malumanay na boses .”Bel ikuha mo ko ng tubig” Alam kong ayaw tumayo ni Bel,makalawang ulit at dahan-dahan itong tumayo sa kinahihigaan.Sinulyapan niya ang aking higaan at tiniyak kung ako ay nahihimbing.

Kasabay ng pagpikit ng aking mga mata ay mala kalesang kalabog ng aking dibdib.Eto na,

”Diyos ko,bigyan mo ako ng lakas ng loob”,

 tumayo ako mula sa aking higaan,nais kong matumba ngunit kailangan kong maglakad.Humugot ng lakas ,lakas na hindi ko alam kung saan kukunin at saan magmumula.Ang tanging nasa isip ko ay maglakad,maglakad patungo sa kung saan ako dalhin ng aking mga paa.

Tinungo ko ang kabilang silid,

wala nang atrasan.Natagpuan ko ang aking sarili sa tapat ng pinto ng kabilang kwarto.

Ang silid sa kabila ng mga hikbi,

 Pumasok ako ng bahagya,pinagpapawisan ako ng malamig,bago pa ako makapasok ng tuluyan ay tinawag ako ng repleksyon sa salamin.Ang antigong salamin sa posisyon nitong nakatagilid, ay kitang kita koang ginagawa ng aso sa salamin,

Ang paglapa sa musmos na karne.

Pinigilan ko ang aking paghinga,iniwasang gumawa ng kahit na anong kaluskos.

”totoo ito Hanah,

di nagsisinungaling ang salamin” lalo na ang iyong mga mata.Para akong binuhusan ng malamig na tubig,kusang dumaloy ang mga pigil na luha,animo’y ilog na rumaragasa.

”Bakit sa pamilya ko?bakit si Bel?Anong dimonyo ang pumasok sa isip ng aking ama…

Napupuno ako ng pagkamuhi,pandidiri at pagka-awa kay Bel.Halos gumapang akong pabalik sa aking silid,nakakapanghina.Walang tigil sa pagdaloy ng mga luha,parang walang katapusan.

Bakit ngayong gabi pa…ang aso sa salamin, sa gabi nga pasko…halos mapatid ang aking hininga, Maligayang Pasko Hanah.

 

Advertisements